9 mula sa 17 certified urgent bills ni PRRD, naging batas

Manila, Philippines – Siyam mula sa 17 panukalang sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging batas sa ilalim ng 17th Congress.

Ayon sa Presidential Legislative Liaison Office, tatlo sa mga ito ang nilagdaan ng Pangulo ngayong taon.

Kabilang sa mga naisabatas ay ang Rice Tariffication Law, Universal Healthcare Law at ₱3.6 trillion 2019 National Budget.


Ilan pa sa mga urgent bills na naging batas ay ang Bangsamoro Organic Law (BOL), joint resolution para sa dagdag sahod ng mga militar at tauhan ng gobyerno, 2018 budget at first package ng TRAIN Law.

Bago mag-adjourn ang 17th Congress, sinertipikahang urgent ng Pangulo ang pag-amyenda sa Public Service Act, Foreign Investments Act, Retail Trade Liberalization Act at ang muling pagbuhay sa Reserved Offices Training Corps (ROTC).

Ilang panukala na lumusot sa 17th Congress ay Budget Reform Act, Security of Tenure at pagtaas ng buwis sa tobacco products.

Facebook Comments