Operasyon ng carpooling app na ‘Wunder,’ hanggang June 28 na lamang

Tatapusin na ng carpooling application na Wunder Carpool ang operasyon nito sa Pilipinas.

Sa abiso ng kumpanya, ang operasyon ng Wunder ay hanggang Biyernes, June 28 na lamang.

Pagkatapos nito ay hindi na ma-a-access ang app.


Hinimok ng Wunder ang mga customer nito na bawiin ang lahat ng cashable balances nito.

Ang Wunder ay isang app na layong konektahin ang mga pasaherong may iisang direksyon papunta sa trabaho o pauwi ng bahay.

Awtomatikong tinutugma ang isang pasahero sa iba pang carpoolers base sa lokasyon, ruta at travel time.

Facebook Comments