9 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Makati

Siyam na bagong kaso ng Coronavirus Disease ang naidagdag sa tala ng Lungsod ng Makati.

Sa ngayon ay aabot na sa 321 confirmed cases ng COVID-19 ang mayroon sa lungsod.

Pinakamataas na kaso ay naitala sa Barangay Pembo na may 28, sinundan ng Barangay Poblacion na may 24 at Barangay San Lorenzo at Pio del Pilar na may 21 kumpirmadong kaso ng COVID-19.


Papalo naman sa 274 ang suspected habang 73 ang probable cases at 77 naman ang bilang ng mga gumaling.

Isa naman ang nadagdag na nasawi sa COVID-19 kung saan umabot na sa 34 ang total deaths.

Facebook Comments