Higit 300,000 halaga ng shabu, nasabat sa quarantine checkpoint sa Maynila

Nahulihan ng droga sa kahabaan ng M.lopez Blvd. corner 2nd St. Port Manila ang isang babaeng walang quarantine pass na dumaan sa quarantine checkpoint.

Sa inisyal na impormasyon mula sa MPD, nagsasagawa sila noon ng Enhanced Community Quarantine Check-Point nang maispatan ang kahina-hinalang suspek na walang suot na quarantine pass.

Nang ito’y lapitan ng mga otoridad, wala itong maipakitang ID at nang inspeksyunin ang kanyang sling bag, dito na tumambad sa mga otoridad ang 50gramo ng shabu na may street value na P34,000.


Dali daling inaresto ang suspek na kinilalang si Norhata Bedo, 30 years old, walang trabaho at residente ng Port Area, Manila.

Inaalam pa sa ngayon kung isa ang suspek sa mga naayudahan ng financial assitance sa ilalim ng SAP.

Sa ngayon nahaharap ito sa paglabag sa RA1132 at RA 9165.

Facebook Comments