Naitala ng Department of Health (DOH) ang 9 na panibagong nagpositibo ng UK variant sa Cagayan Valley.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ang posibleng dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID -19 sa Tuguegarao City
Isasailalim din ng DOH sa genome sequencing ang mga nakuhang sample upang makita ang trend ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar
Sa ngayon, halos tatlong libo ang aktibong kaso ng COVID -19 sa Cagayan at Isabela.
Kaugnay nito,minamadali na rin ang pagbabakuna sa mga residenteng nasa priority list mula sa naturang mga lalawigan.
Facebook Comments