9 na baybayin sa bansa, positibo sa red tide toxin

Nagpositibo sa red tide toxin ang siyam na baybayin sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa mga apektado ng red tide ang karagatan ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Panay, President Roxas at Pilar sa Capiz; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Irong-irong, at San Pedro Bay sa Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) ay pinag-iingat ng BFAR ang publiko sa pagkain ng shellfish na nakukuha sa mga naturang katubigan, dahil mapanganib ito sa kalusugan.


Ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti.

Kasunod nito, kinumpirma naman ng BFAR na ligtas na rin mula sa red tide ang Sapian Bay (Ivisan and Sapian), at coastal waters ng Roxas City sa Capiz.

Facebook Comments