Presyo ng bangus sa ilang pamilihan, tumaas!

Lumiit at tumaas ang presyo ng bangus at ilan pang isda sa mga pamilihan dahil sa malamig na panahon.

Sa Blumentritt Market sa Maynila, tumaas sa P200.00 ang medium-sized na bangus na dati ay nasa P180.00 kada kilo.

Mabibili naman ang tilapia sa halagang P130.00 kada kilo mula sa dating P100.00.


Ang yellowfin tuna ay nasa P260.00 kada kilo mula sa dating P200.00.

Ang salmon naman na dating P120.00 hanggang P130.00 kada kilo ay umaabot na ngayon sa P180.00.

Habang ang galunggong ay aabot nasa P200.00 ang kada kilo mula sa dating P160.00.

Facebook Comments