9 na inabandonang sasakyan sa isang hotel-casino, iniimbestigahan na

Parañaque City – Ipina-hold ng pulisya ang siyam na sasakyang nakaparada sa isang hotel-casino sa Parañaque City.

Karamihan sa mga ito halos isang taon nang hindi kinukuha ng may-ari.

Ayon kay PNP Highway Patrol Group Director, Sr/Supt. Roberto Fajardo – suspetya nila, mga natalo sa sugal o sangkot sa rent-tangay o rent-sangla modus ang mga may-ari ng mga inabandonang sasakyan.


Dagdag pa ni Fajardo – libre ang parking sa hotel-casino kaya hindi makontrol ng security ang mga pumapasok dito.

Idinala na ang mga ito sa Kampo Krame sa Quezon City para sa imbestigasyon.

Facebook Comments