Lalaki, huli dahil sa pambabato sa Makati City

Makati City – Arestado ang isang lalaki dahil sa pambabato sa Makati City.

Kwento ng biktimang si Raniel Abante – naglalakad lamang siya nang biglang may nambato sa kanya.

Mabuti na lang may mga rumorondang pulis sa lugar at agad na hinuli ang suspek na si Simon Nicole De Leon.


Ayon sa suspek – nagawa lamang niya ang pambabato dahil sa pang-iinsulto sa kanya ng biktima na siya ay mabaho.

Pero sinabi ni Makati City Police, Chief Insp. Gideon Ines – modus lamang ito ng suspek pero may iba pang masamang balak.

Walong beses nang nakulong ang suspek dahil sa kasong pangho-holdap.

Nahaharap sa kasong physical injury at illegal possession of pointed weapon si De Leon.

Facebook Comments