9 na LGUs, kinilala ng DILG dahil sa mahusay na recovery program para sa drug users

Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 9 na lokal na pamahalaan na nagpakita ng kahusayan sa implementasyon ng recovery program para sa drug users.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kinabibilangan ito ng munisipalidad ng Magallanes, Cavite; munisipalidad ng Bacnotan, La Union; Lucena City, Quezon Province; Municipality of Kalibo, Aklan; Ormoc City, Leyte; Pasig City; Davao Oriental; Municipality of Claver, Surigao Del Norte at Malaybalay City sa Bukidnon.

Ang naturang mga Local Government Units (LGUs) ay mga huwaran ng best practices sa Community-Based Drug Rehabilitation and Reintegration Program.


Mula sa 36 na LGUs na minonitor ng Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy Project Management Office, 9 ang nakapagpakita na 80% ng mga enrolled sa CBDRP ang naka-graduate sa programa sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ani Año, patunay ito na sa kabila ng pandemic, tagumpay ang grassroots level na pag- rehabilitate at pag reintegrate ng drug users.

Facebook Comments