9 na mahihinang pagsabog sa Bulkang Taal, naitala

Nakapagtala ang PHIVOLCS ng siyam na mahihinang pagsabog sa Bulkang Taal.

Sa huling update, umaabot sa 800 metro ang taas ng ibinubugang abot mula sa main crater ng bulkan.

Tinatahak ng abo ang direksyong pa-timog kanluran.


Ayon sa PHIVOLCS, wala pang naitatalang karagdagang fissures o bitak.

Karamihan sa mga fissures ay naitala sa ilang barangay sa bayan ng Lemery, Agoncillo, Talisay at San Nicolas, Batangas.

Patuloy pa rin ang rekomendasyon ng ahensya na total evacuation sa Taal Volcano island at high-risk areas sa loob ng 14-kilometer radius mula sa Taal main crater at sa Pansipit River Valley.

Facebook Comments