Philippine Navy, may na-detect na isang submarine sa karagatang sakop ng bansa

5721

Sa unang pagkakataon, naka detect ng submarine ang Philippine Navy sa karagatang sakop ng bansa.


Ayon kay Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad – isang US submarine ang na-detect sa pamamagitan ng sonar ng BRP Conrado.

Giit nito na “very challenging” ang pag-detect ng mga submarine, at kung tatanggalin ang tubig sa dagat ay malamang na hindi bababa sa 50 ang mga submarine na makikitang umaaligid sa karagatan ng bansa.

Pero dahil sa bagong kapabilidad na ito ng Philippine Navy, kailangang mag-develop ng mga bagong doktrina sa magiging aksyon ng Philippine Navy kapag maka-detect ng submarine.

Samantala makukumpleto na rin aniya sa taong ito ang anti-submarine capability ang Philippine Navy, sa pagdating ng mga torpedoes at missiles na ikakabit sa dalawang bagong anti-submarine helicopters, na kasalukuyang pinagsasanayan i-operate ng mga naval air-wing pilots.

Facebook Comments