Manila, Philippines – Nakapilina si Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes ng siyam na manlalaro para sa final 12na sasabak sa 2017 SEABA championship sa Mayo 12 hanggang 18 sa Smart AranetaColiseum.
Nangunguna na salistahan sina naturalized player Andray Blatche at reigning PBA MVP June MarFajardo.
Kasama rin rito sina JapethAguilar, Calvin Abueva, Raymond Almazan, Allein Maliksi, Troy Rosario, JaysonCastro at Terrence Romeo.
Pipiliin naman anghuling tatlong manlalaro Kina La Revilla, Bradwyn Guinto, Jonathan Grey, MattWright, Jio Jalalon, RR Pogoy, Ed Daquioag, Kevin Ferrer, Mike Tolomia, CarlBryan Cruz, Von Pessumal, Alfonso Gotladera, Arnold Van Opstal, Norbert Torres atAlmond Vosotros.
Ang SEABA angmagsisilbing qualifying tournament para sa FIBA Asia Cup na idaraos sa Agosto 10hanggang 20 sa Lebanon kung saan maglalaban-laban ang 14 bansa para makapasoksa 2019 world cup sa China.
Unang makakasagupa ng GilasPilipinas ang Myanmar sa opening day kasunod ang Singapore sa mayo 13 kasunodang Malaysia sa Mayo 14, Thailand sa Mayo 16, Vietnam sa Mayo 17 at ang Indonesiasa Mayo 18.
Ito ang ikatlong besesna itataguyod ng Pilipinas ang SEABA tournament matapos noong 1998 at 2001edisyon na parehong ginanap sa Manila.
9 na manlalaro para sa final 12 na sasabak sa 2017 SEABA championship, napili na
Facebook Comments