Judy Ann Santos, ibinahagi ang kaniyang secret sa pagpapapayat

Manila, Philippines – Aminado si Judy Ann Santos na naging malaking pagsubok sa kanya ang pagbabawas ng timbang dahil kailangan ng matinding determinasyon para dito.

Say ni Juday,sinubok ng pagpapayat ang kanyang pasensya lalo na sa pag-gising tuwing umaga para mag work-out.

Naging motivation aniya raw ang kanyang mga anak para magpapayat at mas maging maliksi dahil kung hindi niya masasabayan ang kakulitan ng mga anak sa pagtakbo ay malulungkot ang mga ito.


Bukod sa kanyang mgaanak, ginawa rin raw niya ang pagbabawas ng timbang para sa pansariling kalusugan.

Facebook Comments