Wednesday, March 11, 2026

9 na OFWs na naipit sa giyera sa Iran, dumating na sa bansa

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdating sa bansa ng 9 na overseas Filipinos mula Iran na kabilang sa naipit sa giyera sa Middle East.

Ayon sa DFA, ang naturang Pinoy repatriates ay nakauwi sa bansa matapos ang pagtutulungan ng Philippine Embassies sa Tehran, Iran at Ankara, Türkiye.

Ang mga umuwing Pinoy ay nakalabas ng Iran matapos ang land crossing ng mga ito pabalik ng Pilipinas.

Tiniyak naman ng DFA na patuloy nilang inaayos ang repatriation ng iba pang mga Pinoy na naipit sa Iran.

Facebook Comments