9 na plantasyon ng marijuana, sinira ng PDEA sa Cordillera

Sinira ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang siyam na plantasyon ng marijuana sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, aabot sa ₱80 million halaga ng full grown marijuana ang sinira sa Mt. Chumanchil, Brgy. Loccong Tinglayan, Kalinga.

Dahil sa lawak ng taniman ng marijuana, tumagal ng dalawang araw ang pagwasak dito.


Wala namang naabutang magsasaka sa nasabing plantasyon.

Facebook Comments