9 na pulis na sangkot sa pagpatay sa 4 na sundalo sa Sulu, nasa Camp Crame na

3895

Nakarating na sa National Headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang siyam na pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu noong June 9, 2020.

Ito ay matapos na ipag-utos ni PNP Chief Police General Archie Gamboa na dalhin sa kampo ang siyam na pulis para mabawasan ang tensyon sa Sulu.


Una nang naantala ang paglipat ng siyam sa Camp Crame dahil isa sa kanila ay nag-positive sa COVID 19 rapid test pero nagnegatibo sa confirmatory test kaya sila ay pinayagan nang makalipad.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier Gen. Bernard Banac, lulan ng Cebu Pacific flight umalis kahapon sa Cotabato Airport ang siyam na pulis kasama ang kanilang escort na si Police Brigadier Gen. Manuel Abu, Regional Director ng Police Regional Office ng Bangsamoro.

Alas-9:15 ng umaga kahapon nang dumating sila sa Maynila at alas-11:00 ng umaga naman nang dumating sa tanggapan ng Headquarters Support Service (HSS) at nai-turn over kay Police Col. Jericho Royales na Deputy Director ng HSS.

Ang siyam na pulis ay sina:

Patrolman Aljakal Mandangan
Patrolman Rajiv Putalan
Staff M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri
M/Sgt. Hanie Badirri
Staff Sgt. Iskandari Susulan
Staff Sgt. Erkinsar Sappal
Cpl. Sulki Andaki
Patrolan Moh Nur Pasan




Nakatakda silang humarap sa mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagiimbestiga sa nangyaring shooting incident.

Facebook Comments