Mga MRT-3 personnel na nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 202

42

Pumalo na sa 202 ang bilang ng mga empleyado ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang nagpositibo sa COVID-19.

Mula sa naturang bilang, 181 ay nakatalaga sa MRT depot.


Labing-anim (16) naman ay mga station personnel.

Isa sa mga ito ay nurse na naka-deploy sa Taft Avenue at 15 ticket sellers, walo sa North Avenue, tatlo sa Cubao, dalawa sa GMA Kamuning station, isa sa Quezon Avenue at isang reserved status.

Ang karagdagang lima ay kinabibilangan ng train drivers at dalawang naka-deploy sa control centers.

Mula sa kabuuang bilang na 3,200 na empleyado, nasa 339 ang isasalang sa swab testing ngayong araw.

Facebook Comments