9 na pulis, na sinibak sa serbisyo dahil sa pagpatay sa 4 na sundalo sa Jolo, nakauwi na sa kanilang pamilya

Nakalabas na sa Camp Crame ang siyam na pulis na sinibak sa serbisyo matapos masangkot sa pagpatay sa 4 na sundalo sa Jolo noong Hunyo ng nakaraang taon.

Ito ay dahil walang warrant of arrest na inilabas ang korte laban sa syam na pulis na nahaharap ngayon sa kasong murder at planting of evidence.

Matatandaang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas na dahil sibak na sa serbisyo ang siyam, wala nang hurisdiksyon sa kanila ang PNP.


Hindi naman kasi nila ito pwedeng i-hold dahil pwede silang mapanagot ng arbitrary detention.

Matatandaang noong Hunyo nang nakaraang taon nagsasagawa ng intelligence at monitoring operations ang apat na sundalo sa Jolo dahil sa presensya ng 2 hinihinalang suicide bombers nang sila ay napatay ng mga pulis.

Facebook Comments