9 na sibilyan patay; 10 sugatan sa pag-atake ng nasa 50 armadong kalalakihan sa Basilan

Basilan, Philippines – Patay ang syam na sibilyan habang sampu ang sugatan matapos ang ginawang pagatake ng nasa 30 hanggang 50 armadong kalalakihan sa Tubigan Maluso Basilan.

Ito ang kinumpirma ni ARMM regional Directo Chief Supt. Reuben Theodore Sindac.

Aniya alas 5:30 ng umaga kanina ng pagbabarilin ng armadong kalalakihan ang apat na bahay kabilang na ang isang day care center sa Maluso Basilan.


kinilala ni Supt. Christopher Panapan, Basilan police director, ang mga nasawi na sina Radzma Arakani, Radsma Hassan, Camina dela Cruz, Reynaldo Esparcia, Marktan Jalad, Ajid Aminulla, Ryan Joplo, Baby Arakani, at Andok Haikin Kato.

habang ang mga sugatan ay kinilalang sina Lokaya Arakani, Joey dela Cruz, Julhari Arajani, Mariam dela Cruz, Jessie dela Cruz, Tarhata Arakani, Solo Arakani, Abel Laping, Roderick Villarin, at Grace Fernandez.

Facebook Comments