Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon, siyam na simbahan at kapilya ang bubuksan sa publiko ngayong Semana Santa sa Intramuros, Maynila.
Ayon kay Intramuros administrator Guiller Asido, target nila ang “balik Intramuros” sa mga turista sa lokal man o dayuhan.
Aniya, mula alas-8 ng umaga ng Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria bukas ang Manila Cathedral, San Agustin Parish Church at mga kapilya sa PLM, Mapua, Lyceum, Letran BIR, Knights of Columbus at Guadalupe Shrine sa loob ng Fort Santiago.
Sabi pa ni Asido, maglalagay rin sila ng station of the cross at prusisyon sa kahabaan ng Gen. Luna, Beaterio hanggang Moralla Sts.
Mayroong ring programa na penetensya sa Plaza Roma sa Miyerkules Santo sa harap ng cathedral.
Sa Sabado de Gloria magdamag aniya ang aktibidad sa simbahan hanggang sa salubong na misa sa Linggo ng pagkabuhay na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Nagpaalala naman ang pamunuan ng cathedral na asahan na ang mahigpit na seguridad.