Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng siyam (9) na panibagong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, umakyat sa 329 ang total active cases ng Isabela matapos madagdagan ng siyam na positibo sa COVID-19.
Mula sa 9 new confirmed cases, tatlo (3) ang naitala mula sa bayan ng San Mateo, at tig-isa (1) sa mga bayan ng Alicia, Cabatuan, Echague, San Manuel, isa (1) rin sa Lungsod ng Cauayan at Santiago.
Patuloy naman ang pagdami ng recovered cases sa Lalawigan na may dalawampu’t siyam (29) na naitala ngayong araw, Oktubre 25, 2020.
Sa 329 na active cases, tatlo (3) rito ang Returning Overseas Filipino (ROFs), 28 ang Locally Stranded Individuals (LSIs), 8 pulis sa Isabela Police Provincial Office na kinabibilangan ng isang (1) taga Cagayan at 269 na maituturing na local at community transmission.