Babaeng drug pusher, timbog sa Quezon City

46

Arestado ang isang babaeng tulak ng droga matapos mahulihan ng marijuana na nagkakahalaga ng mahigit ₱205 libong piso sa buy-bust operation sa Quezon city.

Ayon kay Quezon City Police District Director (QCPD) Police Brigadier General Ronnie Montejo, kinilala ang suspek na si Erica Rareza alyas “Rose” 18 taong gulang at residente ng Brgy. Balonbato, Quezon City.
Itinuro ng isang confidential informant ng QCPD Police Station 5 ang ginagawa nitong pagtutulak ng marijuana sa Greater Fairview.


Dito na nagkasa ng buy-bust operation ang operatiba ng PS5.

Isang police poseur buyer ang nakipagtransaksyon na bibili ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱14,500.

Nang magkita na sa overpass ng Brgy. Greater Fairview at nang makumpirma ang suspek ay dito na ibinigay ang senyas at agad ibinitbit si alias “Rose”.

Nakuha sa suspek ang buy-bust money, mahigit isang kilo ng marijuana at cellular phone.




Facebook Comments