9 partylist groups, naghain ng CONA ngayong araw

Umaabot na sa siyam na partylist groups ang naghain ng CONA o Certificate of Nomination and Acceptance ngayong araw.

Kabilang dito ang Bagong Henerasyon, Ang Kabuhayan, APEC, Philreca, Recoboda, Ako Padayon, Abang Lingkod, PNPRA at PDP cares.

Habang isang private citizen naman ang naghain ng Certificate of Candidacy sa pagkapangulo habang isa sa pagkabise-presidente sa katauhan ni Sen. Christopher “Bong” Go.


Lima naman na senatoriables ang naghain ng COC kabilang na sina Raffy Tulfo, JV Ejercito, Kappa founder Joel Apolinario, isang Loreto Banosan at independent candidate na si Rodelo Pidoy.

Facebook Comments