QC-LGU, nagluluksa sa pagpanaw ng first woman Mayor na si Adelina Santos-Rodriguez

Nagluluksa ngayon ang Quezon City-Local Government Unit (LGU) kasunod ng pagpanaw ng kauna-unahang lady mayor ng lungsod na si Adelina Santos-Rodriguez.

Si Adelina ay pang-anim na mayor ng Quezon City mula 1976 hanggang 1986.

Sa panahon ng kaniyang sampung taong panunungkulan, naging prayoridad niya ang pagtatayo ng mga health center sa buong lungsod.


Kabilang sa kaniyang naging proyekto ay nakatuon sa culture, arts at tourism.

Noong 2016, ginawaran siya ng Tandang Sora award ng QC-LGU dahil sa pagtaguyod nito sa pagtatayo ng Manuel Quezon monument.

Facebook Comments