8 Patay, 32 Sugatan sa Pagkahulog ng Jeep sa Bangin!

5266

NEWS UPDATE: Walo na katao ang naitalang namatay habang tatlumpu’t dalawa (32) naman ang sugatan matapos na mahulog sa bangin ang isang pampasaherong dyip sa Brgy. Balagan, San Mariano, Isabela.

Batay sa impormasyon na nakuha ng iFM Cauayan mula kay PMaj. Fedimer Quitevis, hepe ng PNP San Mariano, pasado alas kwatro ng hapon kahapon habang pauwi ang mga biktima sa Barangay Macayu-cayu mula sa Poblacion at nang marating ang mataas na bahagi ng daan na sakop ng Brgy. Balagan ay nagkaroon umano ng mechanic trouble at nawalan ng preno ang nasabing Dyip kaya’t bumulusok ito pababa hanggang sa mahulog sa bangin na nasa sampung metro ang lalim.


Dead on Arrival naman nang dalhin sa pagamutan ang pitong pasahero na kinilalang sina Jhon Loyd Rivera, 14 anyos, Marilen Gammad, 57 anyos, Gina Magusig, Ines Tapaoan, Jhon Loyd Cadiento, Caremelita Zalun, 54 anyos, mga pawang residente ng Brgy. Macayu-cayu at alyas Iring Cleto na taga Tumauini, Isabela.

Kritikal naman ospital ang driver ng jeep na si Jeffrey Calinggal, 25 anyos, binata at residente rin ng Brgy. Macayu-cayu.

Samantala, sa ginawang follow -up ng iFM Cauayan sa pulisya ay binawian rin ng buhay ang isa sa mga naitalang sugatan na kinilalang si Rugina Madria, 52 anyos na residente rin ng nabanggit na barangay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP San Mariano kaugnay sa naturang pangyayari.

Facebook Comments

From Advertisers