9 patay dahil sa Dengue sa Maguindanao

Tumaas ng 60% ang kaso ng Dengue sa lalawigan ng Maguindanao sa first 2 quarter ng 2019.
Sa record na nakuha ng DXMY mula IPHO Maguindanao , nakapagtala ng 669 cases mula January hanggang June kumpara sa 393 sa kaparehong mga buwan noong nakaraang taon, pinakamataas na naitala mula sa bayan ng Datu Odin Sinsuat 128 Dengue Cases, sinundan ng Sultan Mastura na may 77 cases, Upi 73 cases, Parang 67 cases at Buluan 34 cases, halos lahat ng bayan sa lalawigan ay may kaso ng Dengue.
Siyam ang namatay dahil sa dengue simula noong January. Tatlo rito ay nagmumula sa Sultan Mastura,2 sa Parang at tig iisa mula sa Barira, DOS, Datu Paglas, at South Upi. Karamihan sa mga ito ay mga istudyante.
Kaugnay nito patuloy ang mga pagsisikap ng IPHO Maguindanao sa pangunguna ni Dr. Tahir Sulaik para makaiwas ang mga residente ng 36 na bayan ng lalawigan, kabilang na rito ang pagpapaalala na ugaliin ang 4 oclock habbit sa mga tahanan at mga eskwelahan lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Google Pic

Facebook Comments