Arroyo, pinasalamatan si PRRD matapos mabasura ang plunder charges laban sa kanya

Nagpasalamat si dating House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ginanap na appreciation dinner para kay Arroyo kagabi, pinasalamatan niya si Pangulong Duterte na nakipagtulungan sa kanya sa loob ng tatlong dekada, noong siya ay naging senador, bise presidente, pangulo at naging house speaker.

Nagpasalamat din si Arroyo kay Pangulong Duterte sa paglaban sa ilegal na droga, kidnapping at lahat ng banta sa peace and stability noong siya pa ang pangulo.


Hindi rin kinalimutan ni Arroyo ang papel ni Pangulong Duterte sa pagbasura ng Korte Suprema noong 2016 sa kasong plunder na isinampa ng Aquino administration laban kay Arroyo ukol sa ₱366 million intelligence fund scam.

Pinuri rin ni Arroyo si Duterte dahil napapanatili nito ang mataas na satisfaction rating.

Facebook Comments