9 patay sa sunog sa Maricaban, Pasay City

Pasay City – Malungkot na balita, isa lang ang nakaligtas sa sampung magkakamag-anak makaraang matupok ng apoy ang kanilang bahay sa Maricaban, Pasay City.

Sa interview ng Pasay City Fire Marshal Superintendent John Pinagod Jr. – bagaman at umakyat lang sa unang alarma ang sunog na nagsimula pasado alas diyes kagabi, umabot naman sa siyam ang patay kabilang na ang tatlong taong gulang na bata.

Ayon kay Pinagod – batay sa salaysay ng nakaligtas na si misis Jasmin Calma, nakita niya      na may apoy na sa 1st floor kaya at binasag niya ang bintana at tumalon.


Inakala umano nito na nakasunod na sa kanya ang mga anak at asawa, maging ang pamilya ng kanyang kapatid.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), posibleng nahirapang makalabas ng bahay ang mga magkakamag-anak dahil sa pagkagawa ng kanilang pinto na paloob ang bukas.

Kaya naman payo ni Pinagod sa publiko, suriing mabuti ang inyong tinitirahan upang malaman kung madaling makakalabas sakaling magkaroon ng sunog.

Posibleng sa computer desktop na naiwang nakasaksak sa ilalim ng hagdan ang isa sa tinitignan ngayon ng BFP na pinagmulan ng apoy.

Facebook Comments