9 sa 10 Pilipino, aprubado ang pagtugon ng Marcos administration sa COVID-19

Aprubado sa mayorya ng mga Filipino ang pagtugon ng Marcos administration upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa, ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research.

Base sa resulta ng Tugon ng Masa (TNM) fourth quarter 2022 survey, 92 percent ng mga Filipino ang nagsabing aprub sa kanila ang pagtugon ng national government upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Ang naturang approval rating ay mas mataas ng 10 percent kumpara sa huling TNM survey na isinagawa noong March 2022.


Isinagawa ang survey noong October 23 to 27, 2022, sa 1200 respondents sa National Capital Region (NCR), balanse sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Facebook Comments