9 sa 26 OFW na inakusahan ng pagnanakaw sa Saudi Arabia, nakauwi na

Nakauwi na sa Pilipinas ang siyam sa 26 sa OFWs na inakusahan ng pagnanakaw ng kanilang kompanya sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Labor Attaché Nasser Mustafa ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, napauwi nila ang siyam na OFW matapos silang makakuha ng pahintulot sa Saudi labor office na mailagay sila sa deportation center.

Aniya, hinihintay na lang nila na maisyuhan naman ng visa ang 13 pang naiwan.


Sabi ni Mustafa, nagpasya naman ang apat pang OFW na magpaiwan para ipagpatuloy ang pagharap sa kanilang dating pinagtatrabahuhan sa korte.

Nabatid na humingi ng tulong sa POLO ang grupo matapos silang akusahan ng kanilang kompanya ng pagnanakaw.

Kaagad silang nagbigay ng tulong tulad ng pagkakaloob ng mga personal na pangangailangan at pagkain dahil dalawang taon umanong inipit ang kanilang mga sahod.

Facebook Comments