9 sa bawat 10 healthcare workers, gumaling na sa COVID-19 ayon sa DOH

Umabot na sa 6,735 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19.

Mula sa nasabing bilang, 6,070 o 90% ang gumaling na sa sakit habang nasa 625 ang active cases o patuloy na nagpapagaling.

Sa active cases, 407 ang mild, 213 ang asymptomatic, tatlo ang mayroong severe condition at dalawa ang kritikal.


Nasa 40 healthcare workers na ang namatay sa sakit.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 26 o 65% ng total deaths sa medical workers ay physicians.

Karamihan sa mga doktor na namatay ay mayroon pang iniindang karamdaman tulad ng sakit sa puso, sakit sa bato o problema sa atay.

Nagpaabot na ang DOH ng financial assistance sa medical workers na tinamaan ng COVID-19 at sa pamilya ng mga namatay.

Facebook Comments