9 sugatang pulis sa Zamboanga, sinabitan ng medalya

Personal na sinabitan ng medalya ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang siyam na miyembro ng PNP-Special Action Force na sugatan sa isang law-enforcement operation sa Zamboanga City kamakailan.

This slideshow requires JavaScript.

Ginawaran ng Medalya ng Kadakilaan at Medalya ng Sugatang Magiting sina PCpt. Nolie Agmaliw, PLt. Jhorlino Rico Apal; PLt. Earl Abbdurajan III; Pat Lionel Suarverdez, PCpl. Reymir Subion, PCpl. Lindo Macua Pat Edison Ray Paris, PCpl. Oliver Alviar at PCpl. Andres Dalang.


Nabatid na nasugatan ang mga pulis sa armadong engkwentro nang tangkain nilang magsilbi ng warrant of arrest kay Muksidal Jumadil, isa umanong drug dealer na wanted sa illegal possession of firearms at murder.

Habang nasawi naman ang akusado sa pakikipaglaban sa mga awtoridad.

Facebook Comments