Nasa 90 na ang existing na evacuation centers sa Cagayan at Isabela sa Region 2.
Base sa datus ng Department of Social Welfare and Development sa Region 2, may 1,579 displaced families o 5,266 katao ang nasa mga evacuation sa ngayon.
Apektado ng bagyong Ramon ang 104 na barangay sa 19 na munisipalidad ng Cagayan at Isabela.
Nagsimula nang mamahagi ng mga food pakcs at mga sleeping kits at kandila ang field office sa mga residente ng Aparri, Pamplona, sa barangay Sta Clara sa Gonzaga, barangay Capissayan Norte sa Gattaran, Camalaniugan, Sta Teresita, Sta Praxides, Abulog pawang nasa lalawigan ng Cagayan.
Kabuuang P3,564,703 pa ang standby funds ng DSWD Fiels Office 2 sa ngayon at P18,649,37 ang halaga ng stockpiles tulad ng food and non food items na sapat pa na ipamahagi sa mga evacuees sa lalawigan.
Nagsasagawa na rin ng assessment ang DSWD sa lawak ng epekto ni Bagyong Ramon.