VIRAL: Isang basket na grocery, naisiksik ng magnanakaw sa damit niya

6137
Courtesy Brandon Aguila Delin

Nagmistulang si Doraemon ang isang magnanakaw dahil sa dami nang produktong nakuha sa loob ng suot niyang damit.

Sa viral video, hinuli ng security guard ang kawatan at ipinalabas ang mga kagamitang ninakaw sa pinagtratrabahuang grocery store.


Nakulimbat ng babae ang ilang shampoo, sabon, pagkaing de-lata, tissue, at gatas na halos makapuno ng basket.

Aakalain mong nagma-magic ang lady guard dahil nakapagtatakang naisilid at nagkasya sa damit ng magnanakaw ang sandakmak na produkto.

Dinakip rin ang kasama nitong lalaki na nagsilbing lookout sa isinasagawang krimen.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.

Pumalo na sa mahigit 4 million views ang na-hulicam na modus ng salarin.

Facebook Comments

From Advertisers