90% ng mga kasong kulang sa ebidensya, nababasura – DOJ

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na marami sa mga kasong isinampa ng mga prosecutor sa korte ang binasura dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano, nasa 90% hanggang 95% rin ng mga kaso sa DOJ at prosecutor ang nabasura.

Dahil dito, nababahala aniya ang DOJ sa magiging epekto nito sa pag-iisip ng publiko.


Ani Clavano, baka isipin ng mga Pilipino na ayos lang ang paggawa ng krimen dahil mababa naman ang tiyansang mahatulan kung walang ebidensya.

Upang matugunan ito, makikipagtulungan aniya ang mga prosecutor sa mga pulis at tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagbuo ng mga kaso.

Samantala, aminado rin ang Philippine National Police (PNP) na nasa 21.4% lamang ang conviction rate ng kanilang ahensya.

Facebook Comments