COMELEC gun ban, umiiral na sa Bacoor City

Sinimulan nang pairalin ng Commission on Elections (COMELEC) ang gun ban sa Bacoor City.

Ito ay kasunod nang gaganaping plebisito sa July 18, kung saan pag-iisahin ang 40 barangay.

Ikinasa na rin ang send-off ceremony para sa personnel sa COMELEC checkpoints nitong Martes sa Bacoor Government Center Lobby sa Barangay Bayanan.


Isasagawa ang plebisito, base sa City Ordinance No. 275-2023, sa July 29 kung saan tatagal ang plebiscite period hanggang August 5.

Facebook Comments