Tumataas ang COVID-19 mortality rate sa Vicente Sotto Memorial Medical Center, ang pinakamalaking COVID-19 referral hospital sa Visayas.
Ayon kay Dr. Helen Madamba, chief implementer ng COVID-19 health facility, 47 virus-related deaths ang naitala sa ospital mula August 1 hanggang 8 kung saan kabilang rito ay mga bata.
Dagdag pa niya, 90% ng mga namatatay dahil sa COVID-19 ay hindi bakunado.
Naniniwala naman si Madamba na posibleng Delta variant ang dahilan ng mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa Cebu City.
Facebook Comments