90% NG MGA SENIOR CITIZEN SA ILOCOS REGION NA TARGET MABAKUNAHAN KONTRA COVID-19 , MALAPIT NANG MAKAMIT

Pumalo na sa 444, 976 ang bilang ng mga senior citizen sa Ilocos Region ang fully vaccinated labanan sa COVID-19, ayon sa Ilocos Center for Health Development Region 1.
Ayon kay John Paul Aquino ang Regional Immunization Coordinator of DOH-CHD1, katumbas ito ng 83.81% ng target population ng Senior Citizen na maturukan ng bakuna na 530, 907.
Sinabi ni Aquino na bunga ito ng pinaigting na kampaniya ng kagawaran upang mabakunahan ang vulnerable sector sa ilalim ng programang ‘Pinaslakas’.

Sa kasalukuyang datos ng DOH-CHD1, nasa 28% o 165, 391 na senior citizen ang nabigyan na ng booster dose.
Muli namang nanawagan ang ahensya na tangkilikin ang pagbabakuna sa mga itinalagang vaccination sites upang mapataas ang immunity wall ng rehiyon laban sa COVID-19. | ifmnews
Facebook Comments