90 paaralan sa bansa, kasama sa pilot run ng limited face-to-face classes

Tinukoy ng Department of Education (DepEd) ang 90 paaralan na kasama sa pilot run ng limitadong face-to-face classes sa November 15.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor er Briones, ang 90 na paaralan na ito ay nakapasa sa health and education departments risk assessment, may pahintulot mula sa local governments, mayroong retrofitted facilities, at may go signal mula sa mga magulang.

Kasama sa pilot run ng face-to-face classes ang 10 paaralan mula Region 1, 10 mula Region 3, lima sa Calabarzon Region, 3 sa Bicol at 3 rin mula Region 6.


Gayundin ang 8 paaralan mula Region 7, 10 mula Region 8, 8 mula sa Region 9, 6 sa Region 10, 8 sa Region 11, 5 sa Region 12 at 14 sa CARAGA Region.

Sinabi naman ni Briones na walang paaralan mula sa Metro Manila ang makikilahok sa pilot run ng face-to-face classes.

“Kaya from the 1,900 ay naging 600, nagiging 329 na na-assess ng Department of Health. Ngayon, so far, 90 na schools ang na-identify natin na public schools. Ngayon, ang ginagawa natin ay mag-identify. Ito iyong sinasabi nga natin na first batch, 59 tapos halos everyday ay may nadadagdag na mga schools na nag-qualify, tapos ang ginagawa natin ngayon ay nire-review natin dahil ang policy ay magdagdag tayo ng 20 private schools,” ani Briones.

Una nang inanunsyo ng DepEd na mas maraming paaralan sana ang kasama sa pilot run pero nagdesisyon ang ilang Local Government Units (LGUs) na hindi tumuloy bunsod ng pabago-bagong risk level ng COVID-19 sa kanilang lugar habang hindi naman nakapasa sa School Safety Assessment Tool ang ilang paaralan.

Facebook Comments