Masisirang 350,000 doses ng Moderna vaccine, ipapahiram ng pribadong sektor sa pamahalaan

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na aabot sa 350,000 Moderna vaccine na malapit nang ma-expire ang ipinahiram muna ng pribadong sektor sa pamahalaan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ginawa ng pribadong sektor ay sakop ng kasunduan sa pagitan nila at ng pamahalaan para maiwasan ang pagkasayang ng mga bakuna.

Aniya, ang mga pinahiram na mga bakuna ay dinala sa Calabarzon at Central Luzon.


Kasabay nito, tiniyak naman ni Vergeire na sa oras na kailangan na ulit ng pribadong sektor ang bakuna ay ibabalik ito ng pamahalaan.

Facebook Comments