90% sa mga Health Workers sa Cauayan City, Nabakunahan na

Cauayan City, Isabela- Nasa 90 porsiyento na ng mga healthworkers ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dra. Mary Kristin Purugganan, City health Officer ng Cauayan City Health Office 2, kanyang sinabi na may mga health workers pa ang hindi nababakunahan dahil ilan sa mga ito ay natatakot habang ang iba ay hindi nagging stable ang blood pressure noong isinasagawa ang pagbabakuna.

Maging ang mga nasa Clinic sa Lungsod ay hinihintay pa ang kanilang nakalaang bakuna.


Ayon pa kay Dra. Purrugganan, may isang healthworker na nabakunahan ang nakaranas ng side effect subalit nasa maayos na ang kalagayan ngayon at naimbestigahan na rin ng DOH ang kanyang kaso.

Kaugnay nito, nagpapatuloy rin ang paghikayat ng pamahalaang Lungsod sa mga senior citizens na nais magpabakuna na mag pre-register na upang mabigyan din ng bakuna.

Samantala, mayroon ng 211 na active cases ang Lungsod ng Cauayan at may higit 100 pa ang hinihintay na resulta ng swab test.

Sinabi rin ni Dra Purugganan na hindi magpapatupad ng City wide lockdown ang Cauayan dahil nako-contain naman aniya ang mga COVID-19 cases at nakaquarantine rin ang kanilang mga closed contact na minomonitor ng mga City Health Workers.

Facebook Comments