Manila, Philippines – Umabot sa 900 inmate ng New Bilibid Prison (NBP) ang tinamaan ng diarrhea outbreak mula pa noong Biyernes (May 26).
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre – pawang mga preso mula sa maximum, medium at minimum security compounds ang nakaranas ng pagtatae, pananakit ng tiyan, dehydration at pagsusuka.
Sa ngayon anya kontrolado na nila ang sitwasyon, bagaman may isang nakatatandang preso mula sa minimum security compound ang kritikal.
Tiniyak naman ni Bureau of Corrections (BUCOR) Chief Benjamin Delos Santos – na paiimbestigahan nila ang pangyayari.
Kabilang sa mga titingnan kung marumi o kontaminadong tubig o pagkain ang naging sanhi ng diarrhea outbreak.
DZXL558
Facebook Comments