Pinaigting ng Pozorrubio Municipal Environment and Natural Resources Office ang paglilinis sa mga katubigan na sakop ng bayan partikular sa isang kilometrong estero o Imbelleng Creek na napuno ng basura.
Sa isinagawang clean-up drive ng iba’t-ibang tanggapan, nakakolekta ng tinatayang 900 kilos ng basura sa estero sa Brgy. Poblacion I na umaagos karatig barangay Cablong, Imbalbalatong, Malasin at Tulnac.
Ang paglilinis ay bilang pakikiisa sa hakbang kontra dengue at pagtalima sa kautusan ng DEpartment of Environment and Natural Resources upang mapanatiling buhay ang kailugan sa bansa.
Hinimok ng tanggapan ang mga residente na maging eco-warrior sa pagpapanatili ng kalinisan tungo sa kalusugan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









