Pinag-iingat ngayon ang mga Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan ang mga enforcers nito sa banta ng mainit na panahon.
Ayon sa panayam ng IFM News Team kay POSO Dagupan Chief Arvin Decano, inabisuhan na nila ang ang kanilang mga enforcers na magdala ng inumin upang hydrated ang mga ito at pinagsusuot ng panangga sa nararanasang mainit na panahon.
Tiniyak ni Decano na physically fit at kaya ng pangangatawan ng kanilang mga traffic enforcers na sumuong sa mainit na panahon upang magmando ng trapiko.
Aniya pa, nagsasagawa rin sila ng physical examination sa lahat ng kanilang traffic enforcers upang malaman ang mga may nararamdaman sa katawan tulad ng highblood.
Hindi umano nila hahayaan na may mangyari sa kanilang mga kasamahan dahil sa gampanin sa trabaho.
Nagpaalala ito sa mga motorista na maglaan ng kaunting pang-unawa at pasensya upang hindi magkainitan sa gitna kalsada sabay sa nararanasang mainit na panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨