906 na panibagong kaso ng BA.5 Omicron subvariant, naitala ng DOH; 11 na bagong kaso ng BA.4 at 7 bagong kaso ng BA.2.12.1, naitala rin!

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 906 na panibagong kaso ng BA.5 Omicron subvariant.

Ayon kay DOH officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, ang mga kaso ay nagmula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, maliban sa Regions 10, 11,12, CARAGA ,at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa nasabing bilang, 814 dito ay gumaling na, 49 ang naka-isolate, habang bineberipika pa ang kalagayan ng iba pang nagpositibo.


Samantala, nadagdagan naman ng 11 ang bagong kaso ng BA.4 kung saan 5 sa nasabing bilang ay mula sa Region 5, at tig dalawa naman sa Region 6, CAR, at National Capital Region (NCR).

Nakapagtala rin ang DOH ng 7 bagong kaso ng BA.2.12.1 Omicron subvariant ng COVID-19 sa bansa kung saan 4 sa mga ito ang mula sa Region 1, at tig-iisa sa Regions 2, 4A, at 6.

Patuloy namang bineberipika ng DOH ang travel histories at exposure ng mga nabanggit na kaso.

Facebook Comments