Aktibong pulis na sangkot sa iligal na droga at isang pulis na lider ng isang gun for hire group, arestado

Nasakote ng mga awtoridad ang isang aktibong pulis na dawit sa iba’t ibang uri ng ilegal na aktibidad.

Kinilala ni PBGen. Samuel Nacion, director ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police (PNP) ang arestadong pulis na si Police Chief Master Sgt. Romeo Talay Penolio Jr., na nakatalaga sa Camarines Sur Police Provincial Office.

Ayon kay Gen. Nacion, nadakip ang suspek sa isinagawang buy bust operation kahapon dahil sa pagbebenta nito ng mga iligal na droga sa Ocampo, Camarines Sur.


Maliban sa pa pagiging dealer, pinaniniwalaang drug protector din si Penolio kung saan nangingikil di umano ito ng pera sa mga drug personality kapalit ng proteksyon para hindi hulihin.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 laban kay Penolio.

Samantala, isang dating pulis din ang naaresto ng mga operatiba ng IMEG kamakailan.

Kinilala ito na si Pol. Lt. Col. Wilson Magpali na leader umano ng Magpali Gun for Hire Criminal Group na nadakip dahil sa kasong murder.

Facebook Comments