90s BOYBAND NA A1, BALIK PILIPINAS PARA SA REUNION CONCERT

Nasa sa Pilipinas muli ang bandang A1 para sa kanilang 20th anniversary concert tour.
Kasama nina Ben Adams, Mark Read at Chris Ingebrigsten ang nagbabalik na si Paul Marazzi kaya’t pinangalanan nila ang kanilang concert na “A1: REUNITED Tour”.

Excited ang apat sa kanilang muling pagbisita sa bansa bilang four-piece band.
Ayon kay Mark, dapat abangan ng mga fans ang kanilang mga dance moves na magbabalik kasama ng  pagbabalik ni Paul. Kaabang-abang din ang hinanda nilang acoustic set na siguradong maghahatid ng nostalgia sa mga fans, lalo na sa mga batang 90’s.

Ang A1: Reunited Tour ay gaganapin sa darating na October 21 at 22 sa New Frontier Theater (dating KIA Theater), Quezon City, October 23 sa SMX Convention Center, Davao at October 25 sa Waterfront Hotel & Casino, Cebu.


A1 ang bandang nagpasikat ng mga kantang “Like A Rose”, “Everytime”, “Heaven By Your Side”, “Caught in the Middle” at “Same Old Brand New You.”


Article: Mylene Bolina
Photos: Patrick Lasanas

Facebook Comments