Isang Magsasaka sa Mallig, Isabela,Maswerteng Nakatakbo Matapos Pagbabarilin ng Dalawang Hindi pa Nakikilalang Suspek!

Mallig, Isabela- Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Mallig upang matukoy ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa pamamaril sa isang magsasaka sa barangay Manano, Mallig, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Donie Ordonio, 43 anyos, isang magsasaka at residente din sa naturang barangay.

Batay sa report ay patungo umano ang biktima sa kanilang bukirin kasama ang kanyang live in partner at ng isa pang lalaking kinilalang si Reggie Seguancia lulan ang isang sasakyang pambukid at bumabaybay sa kahabaan ng Delfin Albano-Mallig Road at ng makarating ay mayroon umanong dalawang lalaking naka abang at bigla na lamang pinagbabaril ang biktima.


Dahil dito ay agad namang tumakbo palayo ang biktima upang mailigtas ang sarili habang ang dalawang kasama nito ay hindi naman umano nasaktan samantalang agad din naman umanong tumakbo palayo ang dalawang biktimang hindi pa nakikilala.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang pitong piraso ng basyo ng bala ng kalibre 45 at isang deformed slug.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang follow up operation ng kapulisan upang malaman ang motibo sa naganap na insidente at maging ang pagkakakilala ng mga salarin.

Facebook Comments