91% approval rating ni Pangulong Duterte, patunay na mulat na ang taumbayan sa pagsuri ng mga ipinapakalat na fake news laban sa gobyerno – DILG

Patunay umano ang 91% approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling Pulse Asia survey na kumpiyansa ang taumbayan sa direksyon na tinatahak ng kasalukuyang administrasyon.

Partikular na dito ang paghawak ng Pangulo sa hamon ng COVID-19 pandemic at sa muling pagpapasigla sa ekonomiya.

Ito ang ipinahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.


Ayon kay Año, ipinapakita ng resulta ng survey na mulat na at nagsusuri ang publiko sa mga ipinapakalat na fake news at disinformation campaign ng ilang grupo laban sa administrasyong Duterte.

Hindi aniya kayang burahin ng anumang black propaganda ang katotohanan na nakatulong ang mga government response at mitigation programs ng gobyerno para sa pag-flatten ng curve ng COVID-19.

Umaasa ang DILG chief na ngayong nagsalita na ang taumbayan, dapat nang itigil ng mga kritiko ang pamumulitika at makipagtulungan sa gobyerno sa paglutas ng lahat ng mga problema.

Facebook Comments